Quantcast
Channel: The Right Garage Door Services
Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

An inspiring story I want to share.

$
0
0

Nagkaron kami ng plant visit sa isang malaking kumpanya. Pero bago kami mag-tour sa production nila, merong nag-talk sa amin. Boss ang tawag sa kanya ng mga tao dun pero hindi na niya sinabi sa amin ang posisyon. Pagkatapos pag-usapan ang mga proseso ng kumpanya nila, tsaka niya lang sinulat yung pangalan niya sa white board. Malaki ang pagkakasulat niya. At sa ilalim ng pangalan niya, nilagay niya:

ECE/EE/BSIT


Yun daw ang mga kursong tinapos niya. Nakakabilib. Pahirapan na ngang makatapos sa isang kurso tapos siya tatlo pa. At Engineering pa ang dalawa. hanep. Kinwento niya yung pangyayari sa buhay niya na bumago sa paniniwala niya, na bumago rin sa paniniwala ko, na inaasahan kong makakapagpabago rin ng sa inyo. Eto ang istorya niya:

Meron siyang asawa at dinadala niya sa sinapupunan niya yung unang anak nila. The way he describes his wife, makikita mong mahal na mahal niya talaga ‘to at ang magiging anak nila. Nagpa-check up sila para sa baby. At ang sabi ng doktor, maselan daw ang pagbubuntis ng misis niya. Kailangan daw ipalaglag yung bata para mabuhay yung misis niya. Kung itutuloy ang pagbubuntis, oo may posibilidad na mabuhay ang bata, pero hindi ang misis niya. At kung talagang mamalasin, pwedeng parehas silang mawala. Kinausap niya yung misis niya tungkol sa bagay na yun at isa lang ang sagot ng misis niya, itutuloy niya ang pagbubuntis niya. Hindi niya ipapalaglag ang bata. Sabi niya, hindi niya kayang nasasaktan ang misis niya kaya pumayag siya sa gusto nitong mangyari. Tinuloy nila ang pagbubuntis niya. Linggo linggo nagpupunta sila sa ospital pero ganon pa rin ang sinabi ng doktor. Ilang eksperto na rin ang pinuntahan nila sa Maynila, at lahat ay nagsabi na ipalaglag ang bata. 7 months ng buntis ang misis niya at nanghihina na rin. Hindi na makabangon. Doktor na ang pumupunta sa bahay nila para tingnan ang misis niya. Tandang tanda ko yung sinabi niya sa’min non. Ang sabi niya “I want my wife and my child to be safe.” Tinuro niya yung tatlong kurso na sinulat niya sa board sabay sabing, “with all these courses, I have the money to save them. Pero kahit mga eksperto sinasabing malabo. Three degrees, pero lahat yan walang nagawa para sa mag-ina ko. WALA” Lumapit siya sa pari at humingi ng tulong. Sinabi ng pari na tutulungan siya nito sa kondisyon na hindi na siya muling lalapit sa mga doktor, sa Diyos lang. Mahirap man daw sa kanya na bitawan ang mga ekspertong inaasahan niya, ginawa niya. Natapos ang kwento niya nung sabihin niyang “pagbalik niyo dito, ipapakilala ko sa inyo ang mag-ina ko”.

Walang imposible sa taong nananampalataya, sabi niya. At sabi niya, hindi masamang mangarap dahil para yan sa sarili mo. Pero kahit kailan, wag tayong makalimot sa Diyos. Dahil yung faith sa Kanya, yung paniniwala mo sa Kanya, yun pa rin ang pinaka mahalaga sa buhay ng isang tao. Siguro panahon na para isantabi ang pagtingala natin sa karunungan. Unahin natin ang Diyos.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

Trending Articles