“Wala kang future sa kanya.”
Pano mo nasabi? dahil simple lang ang buhay niya? Dahil hindi siya sugar daddy? So anong gusto mo? Pumatol ako sa mayamang lalaki na hindi ko naman mahal para masabi na may future ako? At kung ganon nga ang mangyari, anong future ko ang maipagmamalaki ko? Mga magagandang damit, malaking bahay, magandang kotse pero miserableng buhay? Masasarap na pagkain at komportableng higaan, oo. Pero hindi yun ang nakakapagpaligaya sa isang tao. Kailan ba maiintindihan ng mga tao na hindi pera ang solusyon sa lahat.