Quantcast
Channel: The Right Garage Door Services
Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN

$
0
0

“Anong story nito? Kwento mo na lang sa’kin!”

Sabi ng pinsan ko kanina nung matapos ko yung libro. Story? Ewan. Di ko nga malaman kung may istorya ba siya eh. Di ko malaman kung may kwento ba don.

Habang binabasa ko yung book, nalimutan ko na si Bob Ong ang nagsulat kundi si GILBERTO MANANSALA. Ang hirap. Wala akong masabi. Ni hindi ko alam kung may napulot ako sa libro niya (siguro nga meron, pero hindi ganun karaming bagay). Hindi kasi kwento. Journal siya. Hindi ako naapektuhan na tulad ng ibang libro ni Bob Ong. Hindi ako napaisip. KINILABUTAN AKO. Nakakakilabot yung ending dahil parang ako na yung kausap niya. Eh pero hindi eh. Hindi ganun yung epekto na inaasahan kong makukuha ko mula sa libro niya. Hindi tulad ng dati. Magulo. Ni hindi malinaw yung mga pangyayari. Hindi siya katulad nung ibang libro na kahit may halong pantasya yung iba (tulad ng Kapitan Sino), alam mong nangyayari sa totoong buhay. Eye-opener yung mga libro ni Bob Ong. Pero eto, hindi ko alam kung anung na-open nito sa’kin. Hindi ko alam kung natuwa ako. Pero last word, it’s not what I expected from Bob Ong. He could write better than that. Though yes I admire his courage to step out of his comfort zone.

Nakakatakot yung panahon na kakaiinggitan ng mga nabubuhay ang mga pumanaw na!

KAPITAN SINO PA RIN ANG PINAKA-MAGANDA PARA SA’KIN.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

Trending Articles