ENROLLMENT
Grabe lang talaga ang sakit ng paa ko ngayon. :| Ang aga namin sa school kanina for enrollment ehh. 8 am ang start pero andun na kami ng 7:30 ni kim para lang hindi kami abutin ng mahabang pila. Tapos pagdating namin dun, nagpunta kami sa computer lab sa 5th floor ng MABINI BUILDING. Tapos sabi nung guard dun, hindi daw dun ang enrollment ng engineering courses, sa kabilang building daw sa I.T DOMAIN. Pagdating namin dun, hindi daw dun, sa 4th floor daw ng MABINI BUILDING. Pagdating dun, hindi pa rin daw dun, sa 3rd floor daw ng MABINI BUILDING. FINALLY, dun nga, sa computer lab sa 3rd floor ng mabini building nga ang enrollment ng engineering courses. GRABE PAGUD MUCH!
Tapos pagdating namin dun, kailangan daw namin kumuha ng pre-enrollment form at papirmahan sa academic adviser. Tinanung namin kung san nakakakuha, sabi ay sa DEPARTMENT CHAIR’S OFFICE DAW. Pagdating namin sa department chair’s office, hindi din daw dun nakakakuha ng enrollment form. Sa registrar’s office daw, sa WINDOW 13. Another building na naman yun. Pagdating sa registrar’s office, wala daw silang pre-enrollment form. Sa guard daw sa lobby. Punta kami sa lobby, SA WAKAS, NANDUN ANG MAHIWAGANG ENROLLMENT FORM.
Pagka-fill up namin ng enrollment form, papipirmahan na lang sa department chair. Nagpunta kami sa department chair’s office para itanong sa secretary kung nasan si Engr. Gomez para makapagpa-pirma kami. Sabi eh nasa 6th floor daw ng MABINI BUILDING, ROOM 603. Takbo kami sa 6th floor. pagdating namin dun, WALANG ENGR. GOMEZ NA NAGTUTURO. Habang pababa na kami, nakita namin siyang naglalakad along the 3rd floor corridor of MABINI BUILDING. So ayun. Bumaba kami at nagpa-pirma.
Balik kami sa enrollment room. Nag-enroll. SUCCESS NAMAN ANG ENROLLMENT NAMIN. PAYMENT OF TUITION FEE NA. YES PATAPOS NA! :)
Nagpunta kami sa Campus Cashier. Malayong malayo mula sa pinanggalingan namin. Another building na naman. UNFORTUNATELY, HINDI DAW DUN NAGBABAYAD NG TUITION. NASA MABINI BUILDING FIRST FLOOR DAW. SAMAKATUWID, INILAPIT NA NILA SA ENROLLMENT ROOM ANG CASHIER PERO NAGPAKALAYO KAMI. BUMALIK NA NAMAN KAMI SA MABINI BUILDING.
Pagdating namin dun, buti medyo nakapahinga. Number 48 and 49 ang number namin ni Kim at nasa 44 na.
Eto na, magbabayad na ‘ko. ENROLLED NA ‘KO!
LINTEK ANAK NG TETENG. MINALAS PA RIN NGA!
EH PAGOD NA NGA AKO EH. SORRY NAMAN KUNG MEDYO NAGKAMALI YUNG SULAT KO. MEDYO NAGING E KASI YUNG R KO KAYA NI-CORRECT KO NA LANG.
Tapos naalala ko, bawal ang correction sa tseke. :( So lakad na naman. tawag kay mommy para magpadala ng pera. :| Nakapagpadala naman siya kaya ENROLLED NA KO.
Eh pero ‘tek na enrollment yan. ngayon lang ako napagod ng ganito sa buhay ko. :|