Sabi nga nung retreat namin, ang maiinggiting tao ang pinaka miserable ang buhay. Bakit? Kasi wala namang taong perpekto eh. Kung tingin mo maganda ka, laging merong mas maganda pa sa’yo. Kung pinagmamalaki mo yang yaman mo, well laging merong mas mayaman sa’yo. Kung pakiramdam mo ang bait mo na, meron pa ring taong mas mabait sa’yo. Nobody’s perfect ika nga. Sabi nga ng daddy ko, hindi lahat ng magagandang bagay ay pinagsasama-sama sa ibang tao. Kaya kung magiging maiinggitin ka, walang mangyayari sa’yo kundi magreklamo at magmukmok. Sabi nga sa ingles, INSECURITY KILLS.
↧