PRETTY WAR FREAK MOM
Bali kagabi kasi, pinakita ko kay mommy yung isang comment sa facebook na patama sa’min, tungkol sa liga. Eto kasi istorya nun.
Team nung bunso kong kapatid yung naglalaro. 2 points ahead yung kalaban. Last 1 minute. Apat na lang yung players nung kalaban dahil foul out na lahat. Yung coach, may ipinasok na isang player. Magkaiba yung jersey at shorts niya. eh bawal kasi yun. Nasa rules na kailangan complete uniform. Technical yung kalaban. Eh di magkakaron yung team namin ng 2 free throws tapos ball possession pa. Ibig sbhn, may possibility na manalo pa kami dahil last 1 minute na lang eh, 4th qtr na. Ayaw pumayag nung kalaban na technical sila, eh ayaw din pumayag nung team namin na hindi technical kasi daw rules nga eh. So ayun. Medyo nagkagulo. Pero at the end, technical pa rin yung decision nung committee, nag-walk out yung kabilang team kaya ina-announce na team na namin yung panalo. Tapos may video na pinost sa fb. Yung video eh yung usapan nung mga referee at committee. Naka-tag kaming magkakapatid. May isang nag-comment dun “tangahen yang ligang yan.. takot matalo ang ibaba”. Kami yung tinutukoy na ibaba, kasi ibaba yung purok namin. Yun yung pinakita ko kay mommy.
galit na galit mommy ko. HAHA. apektadong apektado siya. Sabi eh kesyo sagutin ko daw yung comment. Sabi ko wag na lang. ayokong bumaba sa level nila. Isa pa, sa pinost niya, kami ba ang napahiya? Parang siya naman eh. FOUL WORDS on facebook? ang daming nakakabasa nun. Mag-rreflect din sa kanya yun.
Si Mommy kasi ayaw ng may nang-aaway sa’min. HAHA. kumukulo dugo niya. Kaya love na love ko siya ehhh. ;)))