Simple lang buhay ko. Siguro swerte lang talaga ako. Ang pinagdadasal ko lang ngayon, sana mag-champion ang team ng kapatid ko sa basketball, sana tumubo yung kamatis na tanim namin, sana maayos ko yung FS namin. Yung FS, parang ang laking prublema na para sa’kin. Nung nakakuha ako ng 77.5, halos gumuho ang mundo ko.
Tapos malalaman ko na meron pala akong mahal sa buhay na nagdudusa na sa buhay niya. Feeling ko ang tanga ko para ipagdasal yung mga maliit na bagay kesa sa ibang tao. Akala ko kasi okay ang lahat. Sa’kin lang pala okay. Ako lang pala ang okay. Hindi ko man lang natanong ang buhay ng ibang tao kung kamusta sila. Dun ko nalaman, na yung mga bagay na pinu-prublema ko, wala yun kumpara sa paghihirap ng iba.
Alam ko hindi lang ako ang ganito. Sabay-sabay tayong magpasalamat kay Papa God at ipagdasal ang ibang tao.