Quantcast
Channel: The Right Garage Door Services
Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

NA-TATS AKO.

$
0
0

Last Sunday dumalaw kami sa family namin sa father side. Bale dalawa kaming IE ang course dun. Tapos chinichika nila ‘ko. chika lang.

Tapos kinamusta ni Lola grades ko. sabi ko okay lang. kamusta daw FS ko, na-kwento daw ng mga mami na umiyak nga ako dun. sabi ko “77 yung grade namin sa defense”. Sabi nung pinsan ko, “eh di hindi ka na cum laude?” Sabi ko “nag-average ako ng grades eh. bale 1.79 something lahat cmula nung 1st yr. so hindi na. di ko na mahahabol yun sa 5th yr eh.” sabi, “at talaga palang running for cum laude ka!” bale pabiro lang pala pagtatanong niya, sineryoso ko naman. HAHA. nawala na kasi ako sa DL netong 3rd yr at 4th yr semesters, having a grade of 1.76, 1.79, 1.78, and 1.8. CLOSE FIGHT SANA. HOHOHO. tapos ayun, kwento kwento. iniintriga nila ko tungkol sa school stuffs. anu daw grade ko sa ganito, ganan. etcetera. tapos lunch time na. nag-ihaw sila. naiwan kami ng lola ko.

eto sabi ng lola ko, (not exact words)

“alam mo hinayang na hinayang ang mga pinsan mo sa talino mo. tingnan mo at engineering ka tapos tataas ng grades mo. sabi ni don-don ang talino mo daw eh dapat sa mas mahirap pa. dapat daw nag-medicine ka na lang din tulad ng kuya mo”

sabi ko

“ala. nahihirapan din naman ho ako sa course ko ngayon. lahat naman ho ng course mahirap.”

sabi ni lola

“sabi kasi ng daddy mo ang medicine daw eh puro saulo ng saulo. eh masipag ka naman daw magbasa. sabi din ng daddy at mommy sana daw eh pinag-medicine ka na lang din.”

sabi ko naman

“ang math ho kasi kahit anung aral na gawin mo eh hindi naman yung pinag-aralan mo ang lalabas sa exam. yun ho yung nagpapahirap.”

mahaba pa yung conversation pero hindi na para ilagay pa dito lahat. ALAM MO YUN. AKO SA SARILI KO ALAM KO HINDI AKO GANUN KAGALING. Pero yung malaman mo na may ibang tao na naniniwala sa’yo. Bakit hindi dba? BIGLANG LUMAKAS LUOB KO. Lalo na nung malaman ko na ganun pala tingin sa’kin ni Mommy at Daddy. Hindi ko siya ginagamit para ma-pressure ako, kundi para ma-inspire.

Hindi ko na kailangang maging cum laude pa dahil alam ko may napatunayan na ako sa inyo at alam kong may tiwala kayo sa’kin, MAGING CUM LAUDE MAN O HINDI. ;D


Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

Trending Articles