Kung mababasa mo ‘to. Alam ko ayaw mo ng masyadong mahaba. Alam mo naman kung anung nararamdaman ko. Alam mo naman na nagpapasalamat ako kay God kasi binigya ka Niya sa’kin. Ang hindi mo alam eh kung kita naapreciate. 3 years na tayo at sa tatlong taon na yun, I feel that you respect me. Never kang nagtake advantage sa’kin. At natutuwa ako dun. It made me love myself more. Ikaw din yung nagturo sa’kin na huwag maging maluho. Though hindi naman talaga ako maluho, pero ikaw nagparamdam sa’kin na hindi naman kailangan yun. Alam mo yun. Natatawa pa din ako pag naalala kong yung sinabi mo na “MAS MASARAP PA ANG ORANGE PEARL SA STAR BUCKS” HAHA. Lam mo yooooon. Natutuwa ako kasi napupunta ang pera ko sa mga bagay na may halaga.
Sa totoo, wala na kong mahihiling pa kasi tanggap mo ko. at kahit kelan, hindi ka naghanap ng wala sa’kin. Natutuwa ako pag pinupuri mo ko. Kuntento ako sa sarili ko ngayon dahil sa’yo. At never akong nakaramdam ng insecurity sa ibang tao dahil sa’yo. Lagi mo kasing pinaparamdam sa’kin na mahal ako ni Papa God at swerte ako dahil ginawa niya akong ganito.
DI KO MALILIMUTAN NUNG SINABI MO NA yaman niyo pala. hindi kasi halata sayo. simple ka lang kasi. *don’t get me wrong, we’re not rich* Palagi mo rin akong hinahayaan na unahin si Papa God at ang pamilya. Ang dami kong gustong sabihin to explain how I feel. Pero di ko alam kung panu i-oorganize. HAHA. Sa totoo, hindi ko alam kung maiintindihan mo pa to pag nabasa mo. Kung anu lang kasi pumasok sa isip ko, yun ang ittype ko. Hindi ko binabasa ulit. Alam ko kasi kapag binasa ko ulit, papaltan ko yung iba. At kapag ginawa ko yun, hindi na yun ang nararamdaman ko nung sinulat ko to. GETS MO BA? HAHAH. WEIRD! KAHIT YUNG EXPLANATION NA YUN AYOKO TALAGANG BALIKAN. DIRETSO LANG ANG TYPE! HAHAHA. Gusto ko basahin to pag na-post ko na. Para wala ng edit at ito talaga nararamdaman ko. :))
Tatapusin ko na. bottom line lang naman. You’re my other half. You completed me. And I’m glad that it’s YOU. <3