Ganyan talaga ang buhay eh. Kung ano yung wala tayo, yun yung madalas na hinahanap natin. Hindi lang naman sa puso yan eh. Kahit sa mga simpleng bagay ganan talaga ang mga tao.
- Kapag may pasok, gustong gusto mong magbakasyon. Pero pag bakasyon, gusto mo naman pumasok.
- Kapag nag-aaral ka, gusto mo na matapos para makapagtrabaho ka na. Pero pag nagtatrabaho ka na, gusto mo naman mag-aral.
Kaya ako, hindi ako madaling matakot kapag sinasabi nila na, enjoyin mo na pag-aaral mo dahil pag nagtrabaho ka na, mahirap. Para sa’kin, ako na bahalang mag-assess nun para sa sarili ko. Ang hirap naman kasing maniwala sa bagay na alam mong naturalmente lang sa tao, yung hanapin kung ano yung wala ka.
↧
kreamiifeverr: Ganyan talaga ang buhay eh. Kung ano yung wala...
↧