Ngayon ko napatunayan, mahirap magsalita ng tapos. Kaya nga ang future ay tinawag na hinaharap eh. Kasi hindi mo pa alam. Hindi pa nangyayari. Haharapin mo pa lang.
Kahit pa sabihin mo, “hindi ko siya magugustuhan”. Siguro ngayon oo. Pero pano bukas? Hindi natin alam. Minsan malabo ang tadhana. Dun ka nilalagay sa hindi mo inaasahan. Matatawa ka na lang kasi ibang iba na ang buhay mo sa inisip mo.