December 14, 2011 (Wednesday)
Nag-away kami. Reason? Aba! Siya eh! Hindi siya nag- iloveyou too sa’kin! HAHA. Dalawang beses akong nag-iloveyou hindi siya nagresponse. HAHA. Nagalit naman daw ako. Basta dun nagsimula at lumaki nang lumaki. Buong araw kaming hindi magkatext nun. Ganon din nung kinabukasan. OJT pa naman. hindi kami nagkikita. Every Friday lang kami nagkikita dahil pumupunta kami School para sa isa pa namin thesis. Thursday ng gabi, tumawag siya sa’min para sabihin na susunduin niya ko. Yun na. bati na kami.
Nagkausap kami nung Friday. Sabi pa niya, hindi naman daw sa hindi siya natatakot. Pero hindi na siya masyadong nag-aalala dahil alam niya na masyado namin mahal ang isa’t-isa para masira ng ganon lang. 3 years and 9 months. Tama siya. Hindi ganon kadaling sirain yung naging pundasyon namin. Na-realize ko, ganon din pala ako. Kaya kahit nag-aaway kami, masaya pa rin ako. Hindi nagiging emo. Kasi deep inside alam ko magiging okay din kami. Natutuwa ako na umabot sa ganito ang relasyon namin. Ngayon alam ko mature na kami pareho. :)
I love you, sir! :)