Quantcast
Channel: The Right Garage Door Services
Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

Meron nga ba talagang taong TANGA pagdating sa PAG-IBIG?

$
0
0

Reality check. Lahat naman tayo, hindi natin pinangarap na maghabol, lumuhod, o magmakaawa para lang HUWAG tayong iwan ng mga taong mahal natin. Given naman yun eh. Kahit sino pa ang tanungin mo sa kalye, walang sinuman ang nangarap nang ganon. Pero bakit may mga tao pa rin na sa ganon sitwasyon nauuwi? Sabihin na natin, sa pagpapaka-tanga? Well hindi ko rin alam. Pero ako personally, hindi ko siya nakikita na flaw ng isang tao. Though oo, may tendency na manghinayang ako or rather maawa. kasi ang dami pang tao sa mundo para magmakaawa ka sa isang taong ayaw naman sayo.

MADAMI PANG IBA DYAN.

Pero just now, naisip ko lang, kung totoong madami pang iba dyan, bakit tayo nagmamahal ng iisang tao lang sa bawat araw? Kung totoong marami ka pang makikitang iba dyan, bakit ka nagseselos? bakit ka nagmamahal? Naisip ko lang na UNFAIR kung tatawagin natin na TANGA ang isang tao na sobra kung magmahal. Kasi alam ko, hindi rin niya ginusto na tiisin lahat ng sakit para lang wag maiwan. Pero wala eh, ganun talaga. Ganun talaga kapag nagmamahal. Hindi naman natin pwedeng turuan ang puso natin na, “uy tama na! hanap na lang tayo ng iba”. Kasi kung pwede lang, siguradong wala nang taong nasasaktan ngayon. Kaya ‘wag tayong masanay na tawaging TANGA ang taong sobra kung magmahal. 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

Trending Articles