Kagabi, di talaga ako mapakali kasi akala ko nagalit ka. Tatawagan na sana kita sa phone, kaya lang natatakot ako. Ayokong magalit ka sa’kin. Alam ko pag nagkikita tayo hindi ako open sa love na nararamdaman ko sa’yo. Pero kung alam mo lang, sobrang love kita. Ikaw pa din yung first true friend ko sa School. Kung naaalala mo pa, nung mga nene days pa natin, BUDDY BUDDY pa tayo. Na-mimiss ko yun, sobra.
Di ko lam gagawin pag nagalit ka sa’kin. You know how much I treasure my friends. At isa ka sa mga kaibigan na ayokong mawala sa’kin. Nahihiya akong mag-message sayo or kung anuman dahil natatakot ako sa sagot mo. Kanina magkatext tayo ramdam ko na parang nagtatampo ka pa din sa’kin. Naiintindihan ko naman. Pero tulad ng sinasabi ko, HINDI KO NAMAN NALIMUTAN. YUNG ARAW NGAYON, YUNG NALIMUTAN KO. YUNG DATE NGAYON. KUNG ANUNG PETSA NA. PERO YUNG ARAW MO, DI KO NALILIMUTAN YUN.
Natuwa ako ng sobra sa response mo sa’kin. IT REALLY MEANS A LOT TO ME. REALLY. <3