Quantcast
Channel: The Right Garage Door Services
Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

Piliin mo yung tama, hindi yung makabubuti lamang.

$
0
0

Sabi ng pari sa misa kanina, nalilito na daw ang mga tao sa kung ano ang tatanggapin nila, ang tama o yung nakabubuti?

Sa New York daw, legal ang aborsyon. Legal na rin euthanasia, o ang pagpatay sa mga matatandang wala nang silbi. Bakit? Dahil yun yung makabubuti sa bansa nila. Yun yung makakabuti sa isang pamilya, ang mawalan ng isang magulang na tumanda na tinuturing na nilang pabigat ngayon. Yun ang makakabuti para sa kanila, ang ipalaglag ang batang bunga ng pagpapasarap nila dahil hindi pa sila handa.

Kung titingnan mo, makakabuti nga naman. Pero sabi nga ng pari, huwag tayong maging makasarili. Huwag yung para sa atin lang ang tingnan natin. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Kahit naman ipalaglag mo yan, hindi mo mababago. Magulang ka pa rin, magulang ng walang buhay na bata. At hindi ka ba nahihiya sa mga magulang mo? Na matapos kang palakihin at mahalin kahit noong isa ka pang bata na wala pa rin namang silbi ay tatalikuran mo na ngayon? 

Nakakakilabot malaman na ang mga ganitong kasalanan at maduming gawain ay nagiging normal na lang sa ibang tao. Nagpapasalamat ako at hindi ganito sa Pilipinas. Oo na. Kayo na ang mayayaman na bansa. Kayo na ang mga asensado. Pero taas noo ko ngayon na masasabi na mahirap man kami, namumuhay kami na iniisip ang kapakanan ng iba. Namumuhay kaming marangal at may takot sa Diyos.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 2213

Trending Articles