my sister-cousin is on the process of moving on right now. Her home is just a dozen of steps away from ours so I pay her a visit. We had a talk. At hindi ko maiwasan na hindi mainis sa mga napag-usapan namin. Ang unfair eh.
The reason of the guy breaking-up with her is that enjoyin daw muna nila ang kanilang pagka-dalaga at pagka-binata. Bakit magpapakasal na ba kayo? My goodness! 25 na ata kayo pagka-dalaga at pagka-binata pa rin? Tsaka sinu bang nanligaw? Diba lalaki? Manliligaw siya tapos sasabihin enjoyin muna ang pagka-dalaga. Aba. May tuliling ata iyon. Gusto pala niya maging habangbuhay na binata eh bakit ka pa nanligaw? Bakit mo hinayaang mahalin ka nung tao? Umiinit ulo ko. Anu bang tingin nila sa mga babae? Liligawan kapag trip nila tapos bibitawan lang din pag gusto na. ssssss.
Ang isa pang kinainis ko eto. Nung nag-uusap kami, nakwento niya yung co-worker niya na nagkaron din ng problema sa relasyon dahil nahuli daw niya yung bf niya na may kasamang iba. At ang sabi daw ng lalaki, huwag daw magtataka ang mga babae kapag nagsawa sa kanila ang mga bf nila dahil ang mga lalaki daw eh meron ding sariling pinagdadaanan. WTF?!!! Anung tingin niya sa mga babae? Walang pinagdadaanan? At kapag ba may pinagdadaanan ka hahanap ka ng iba? Yun na ba yon? Ipaintindi niyo nga sa’kin. Hindi ko kasi talaga maintindihan eh. Masyado kasing unfair. Tayong mga babae na nga yung sobra kung magmahal, yung selfless magmahal, tayo pa rin yung naiiwan. At ang pinaka-unfair, sila na nga ang nangiwan, tayo pa rin ang may kasalanan? Na para bang tayo pa ang dapat umunawa sa kanila? AYYY JUSME! napapamura ako sa inis eh. Iharap niyo sa’kin yang lalaking yan.