Hindi ko naman ayaw kay Rizal. Well, oo magaling siya. One of a kind. Sobrang matalino. Hindi siya pangkaraniwan. Hindi biro ang matutuo ng 22 different languages. Mahusay talaga siya. Pero sino ba ang nagtakda kay Jose Rizal bilang ating Pambansang Bayani? Ahh. Mga Amerikano.
Bakit si Jose Rizal ang pinili nila? Dahil hindi naman talaga kalayaan ang ipinaglalaban ni Jose Rizal, kundi ASIMILASYON. Ang asimilasyon ay ang pakikisama ng bansang Pilipinas sa bansang Amerika. Ang maging kaalyado nila tayo. Parang pagpapa-alipin rin.
Kung hindi ako nagkakamali, tatlo o apat ang pinagpilian noon ng mga Kano upang maging pambansang bayani natin. Si Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo, Jose Rizal, at *insert name here* nalimutan ko yung isa. Hindi nila pinili si Emilio Aguinaldo dahil tinraydor noon ni Emilio Aguinaldo si Apolinario Mabini mahabang istorya pa ulit yun. Hindi pinili ng mga Kano si Apolinario Mabini dahil una, lampa siya. At hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Iba sa pananaw ng mga Kano na pinahahalagahan ang edukasyon. Si Jose Rizal ang nakita nilang swak sa kanilang interes. Si Jose Rizal na pinahahalagahan ang edukasyon tulad ng nais mangyari ng mga Kano, at si Rizal na nais ng asimilasyon tulad ng nais mangyari ng mga Kano. Yun ang dahilan ng pagkapili kay Jose Rizal bilang pambansang bayani. Mahal ni Rizal ang Pilipinas. Pero sabi nila, si Apolinario Mabini ang totoong nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.